One Sided Lang Pala


 One Sided Lang Pala

Nagsimula kami sa bangayan,
At naging malapit na kaibigan.
Pinaglapit ng tadhana ang aming loob noon,
Sabay bigay ng mga regalo dito at doon.
Nagsimulang tumibok ang puso sa isat-isa,
Ngunit walang label para sa aming dalawa.
Nagkakaintindihan ang mga puso't mata,
Nangungusap kahit walang mga salita.
Sa liham ng pagmamahal aking tinapat,
Nagbabakasaling maging klaro't sapat.
Alam kong iniisip mong mahirap kang mahalin,
Pero minahal kita ng buo kahit di ka tumingin.
Pero bakit lumamig ang ating pagsasama,
Bigla kang lumayo at di nag paalam.
Di mo na ba ako pinahahalagan tulad ng dati?
Di na ba ako ang rason ng iyong mga ngiti?
Di mo ba ako minahal mula ng umpisa?
At ngayo'y nagmamahal ako ng mag‐isa
Saan ba ako nagkamali?
At ika'y lumayo sa huli.
Puno ng kirot na di matutumbasan,
Mga alaala na pilit ng kinakalimutan.
Masasayang araw na dati ay atin.
Sa bandang huli'y kailangan kong limutin.

-Seapoetica🌙

x

[Credits to the owner of the photo]

0 comments

♡Please free to express your thoughts my love tides with kind words.♡