Seapoetica

Expressing my inner thoughts through writing poetry, sharing adventures, and creating more memories to tell while finding my true happiness.

  • Home
  • Poem Collections
  • Artworks
    • Paintings
    • Mood Boards
    • Handmade Crafts
      • Category 1
      • Category 2
      • Category 3
      • Category 4
      • Category 5
  • Wanderlust
  • My Bucket List
  • Contact Us

 

Between Maybes


Between maybes there is you

The sparkle in your eyes

and your heart warming smile

made my heart run like a thousand mile

Your voice when you call my name

makes my heart want to faint

The sadness in your eyes

makes my heart want to cry

Between these maybes I found you

A love that has been found by only few.


-Seapoetica


 


Finally! Na-upload ko narin mga poems ko dito! After a longtime of procrastination. I am really happy that I joined a community in FB, where in I can showcase my poems. Although, my poems are not that good or near to perfect I am happy to know that some of the members there can relate to my shared thoughts and feeling through poetry. I really appreciate those people who motivated me to harness some of my talent as poem writer. I hope I can improve more! Writing is one of my outlet of my inner feelings, thoughts, emotions, experiences; for me it is my therapeutic intervention to de-clutter my mind and heart. I really find it easier to express through writing than vocalizing it. I feel fee whenever I write and I am usually the type of person that is a listener than a talker~lo. I just love to listen and understand people. I hope I can write more poems. I really want to inspire other people to write their inner thoughts and feelings and nourish their creative minds especially that we are dealing with this pandemic. <3

 Pagtawag

Sa'yong mga tingig,
muli mo akong pinangiti
Sa'yong pagtawa,
puso ko'y muling sumigla
Sa'yong mga kuwento,
humihiling na orasa'y di na huminto
Mundo ko'y mas lalong sumaya,
Sa munting oras na ika'y nakausap.

-Seapoetica


I dedicate this to my friend. Matagal na panahon since nung nakausap ko cya.
Although many years have passed and he lives faraway from me, our bond remains the same. It feels like its just yesterday. Be grateful to have a friend like that.


Salamat B.

 "Humihiling sa mga bituin,

Kahit sa panaginip man lang,

Ika'y maging akin."


-Seapoetica

 Kaya ko nang limutin ka

Pilit ibinabaon ng kahapon
Ang matamis nating pagsasama
Binabalot ng malungkot na katotohanan
Alaalang di pinaghihilom ang sugat sa aking puso
Di ko pa kayang limutin ka
Di ko pa kayang imulat ang aking mga mata sa katotohanan na wala rin lang patutunguhan
Di ko pa kayang sabihin na hindi na kita mahal na walang luhang kasama at sakit na nadarama
Kasama ng aking pighati ang pagpatak ng aking luha na ikaw ang tanging sanhi
Di mawari kung kailan ako magtitiis sa karimlan ng aking pag.iisip na siyang puno ng iyong imaheng paulit ulit tumatakbo at di humihinto..
Huling hiyaw sa hangin.
Ang huli kong pagsamo.
Tumigil ang aking mga luha na may bahid ng kalungkutan.
Puso koy muling naghilom.
Handa ng lumaban at bumangon ulit.
At sa aking muling pagmulat.
Aking mga labi tumaghoy sa hangin...
"Kaya ko nang limutin ka"


-Seapoetica

 Baka Pwede

Baka pwede ka ng lumisan sa aking isipan, kung patuloy mo lang rin akong sinasaktan.
Sa mga alaala na iyong iniwan,
Sa mga pagkakataon ako'y di mo pinahalagahan.
Baka pwede ka ng lumayo ng tuluyan sa aking landas,
Ubos na ako sa pagmamahal na iyo lamang winaldas.
Baka pwede na 'kong ulit makapagsimula at lumaban,
Para naman tuluyang humilom ang puso kong sugatan.


-Seapoetica

 Natauhan

Pagmamahal aking binigay ng sobra²,
Ngunit aking natatanggap ay tira².
Sa puntong iyon narealize ko na, bakit pa natin sasayangin ang ating oras, panahon, efforts, at pagmamahal para sa isang tao, kung di naman tayo kayang ipaglaban o pahalagahan man lang.
Sorry, pero natauhan na ako sa buong katotohanan na kung mahal ka talaga niya handa siyang ipaglaban at pahalagan ka.
Handa siyang ipadama sayo na ika'y karapatdapat at sapat.
Yung tipong mamahalin ka ng buo at hindi kailanman ipapadama sa'yo na isa ka lang sa mga opsyons niya.
Laging tatandaan na ikaw ay sapat at karapatdapat sa pagmamahal na tunay at wagas.
Yung tipong kahit wala ka man sa kanyang tabi or paningin, panigurado ikaw at ikaw lang ang mamahalin.


-Seapoetica

 Pagkakamali

Habang siya ang aking kayakap,
Puso ko'y ikaw parin ang hanap.
Habang siya ang aking katabi,
Ako'y nangungulila sa'yong mga labi.
Sa tuwing siya ang aking kahalik,
Hinihiling ng puso na ika'y bumalik.
Inaamin ko na ako'y nagkamali,
Mahal kita pero siya ang aking pinili.
Di ko maitatanggi na ako'y nabulag,
Nasilaw sa tukso at ako'y naging duwag.
Pinagsisihan na ika'y aking nasaktan,
At tanggap ko narin ang parusa na kapalaran.
Pagmamahal na akin lang sinayang,
Tunay na pagmamahal na di ko na muling masisilayan.
-Seapoetica

Aanhin ko pa

Aanhin ko pa ang paghiling sa bituin,
Kung di rin lang ika'y magiging akin.
Aanhin ko pa ang pagbulong sa hangin,
Kung di rin lang ako ang iyong pipiliin.
Aanhin ko pa 'tong tula na para sa iyo,
Kung gusto mo rin lang lumayo.
Aanhin ko pa 'tong nararamdaman,
Kung sa huli ako lang din ang masasaktan.
Aanhin ko pa 'tong ating mga larawan,
Kung pipiliin ko rin lang na ika'y pakawalan.
Aanhin ko pa 'tong aking puso na ikaw lang ang inaasam,
Kung sa huli mas pinili mong magpaalam.
-Seapoetica

 Sandalan

Di maipikit ang aking mga mata,
Puno ng takot at mga pangamba.
Gabi-gabiy lumuluha sa buwan,
Na sana'y pawiin aking kalungkutan.
Puso ko'y nalulunod sa sariling poot, habang ako'y nakabalot sa sariling kumot.
Umiiyak pero di kayang sumigaw,
Sa kadiliman ako'y mag-isang naliligaw.
Naninikip aking dibdib sa bawat paghinga,
Oh Diyos! Pakiusap, ako ay iyong isalba.
Maawa po kayo sa akin mahal kong Ama,
Damayan niyo po ako sa aking pag-iisa.
Bigat ng puso koy biglang naibsan,
Hanging bumubulong aki'y pinakinggan.
Anak, nandito lang ako at di ka pababayaan.
Di ka mag-iisa kailanman,
Pagkat sasamahan kita kahit ika'y nasa kawalan.
Sa aking piling ikaw ay proprotektahan,
Tahan na aking anak, at ako'y iyong sandalan.
-Seapoetica

 Ilusyon

Sa panaginip ika'y na hagkan,
Oras ay tumakbo ng dahan-dahan.
Di makapaniwala na ika'y nasa 'king isipan,
Akala ko'y tuluyan na kitang binitawan.
Di parin ako pinapakawalan,
Ng matamis nating nakaraan.
Mga labing pinagtapo ng saglit,
Ako'y nahuhulog sa'yo ng paulit-ulit.
Paibig ko sayo'y muling nanumbalik.
Pag naalala ang matamis mong halik.
Pinipilit ng puso kong muling ibalik,
Ang isip ko'y gulong gulo at di na matahimik.
Tunay ba ito or isa bang ilusyon?
Mga alaala or nakaimprentang Imahinasyon?
Dapat bang paibig nati'y muling pagbigyan?
O dapat ba nating ibaon itong nararamdaman sa kawalan?
Tunay na nararamdaman dapat bang muling buksan?
Para bang di na natatakot na muling masaktan.
Handang sumugal sa pag-ibig na walang kasiguraduhan.
Basta magmamahal lang kahit di mo man suklian.
-Seapoetica

 Pagsamo

Mahirap mang sabihin,
Ngunit kailangan ng aminin.
Mga nakatagong damdamin,
Na binulong ko na lang sa hangin.
Umaasang sa iyo'y makarating,
Ang aking pagsamo sa mga bituin.
Kung saan ka man dadalhin,
Dalangin ng puso ko sana iyong dinggin
At ako naman ang iyong piliin.
-Seapoetica

 Pagtahan

Matinding sakit ang bumabalot sa aking puso't isip.
Umiiyak gabi-gabi habang yakap ang basang unan ng mahigpit.
Naiisip‐-
Mga nakaraang dati'y masaya, ngayo'y tinabunan na ng pait at pighati,
Paulit-ulit kong naiisip itong masaklap na sinapit.
Mga palaisipang animo'y nakaukit,
di ako karapatdapat,
At di ako kailanman magiging sapat.
Di ko kayang pigilan ang puso kong labis na naghihinagpis,
Nagmamakaawa kay Bathala na pawiin ang sakit ng mabilis.
Kirot ay napawi at luha'y tumahan.
Nakaidlip na puno ng luha sa yakap kong
unan.
Lumuwag ang aking pakiramdam,
Ang puso kong unting-unti naghihilom.
Sa pagtahan nito'y umaasang tunay na pagmamahal din aking masisilayan.
-Seapoetica

 Patawad

Patawad sa mga pagkakataong ako'y nawala,
Inuna ang sarili nung ako'y iyong binalewala.
Patawad kung nauna akong sumuko,
Di ko na alam kung san pa 'to tutungo.
Patawad kung di ko na kinaya ang sakit,
Puso kong pagod na sa iyong pananakit.
Patawad kung di ko na natupad ang dati nating pangako,
Pagod na ang utak ko sa kakatanong
kung mahal mo pa ba ako?
Patawad kung kusa na akong aalis,
Mas pipiliin kong masaktan ng labis-labis.
Patawad kung ako'y magiging makasarili sa iyong paningin,
Mas pipiliin kong ika'y palayain dahil alam kong puso mo'y may iba ng umaangkin.
--Seapoetica

 Pag-idlip

Tulog koy mahimbing,
Kapag ikaw ang kayakap sa dilim.
Mga pagod ko'y napapawi,
Makita ka lang ngumiti.
Maswerteng pinagbigyan ni bathala,
Ang palaging hiling ko sa mga tala.
Na masilayan ang sa aki'y tinadhana,
Labis ang aking tuwa at di makapaniwala.
Sa aking pagdilat mula sa aking pag-idlip,
Di rin ako makapaniwala na ito'y isa lamang magandang panaginip.
-Seapoetica

 Paglisan

Sumasabay sa alon ng bawat talata,
Minumulat tayo sa bawat kabanata.
Binalot man ng kadiliman ang ating isip,
Lulunorin naman tayo habang nakaidlip.
At sa huling pagpatak ng luha sa karagatan,
Di masisi kung ako'y natauhan at tuluyang lumisan.

-Seapoetica

Yesterday, I had a glimpse of happiness within me when my friend wanted to catch up with me. He was one of my dearest friend; the one who knows some of my secrets and rants of my life. I really love hearing him rant a lot, its like nothing has changed with our bond~lol. We don't usually communicate often, but whenever we talk it feels as if like we just hangout yesterday. I really enjoyed communicating with him for more than an hour or so. I really cherish our friendship. I was also happy to receive a call from my college friends. They went out for a "catch up dinner"; they told me it has been a long time since they bonded altogether.  They had unli pizza and chicken!~ and complained to me that they were so full hahaha. I was really happy to see them and able to catch up with them even if I'm far away from them. I really love and miss them a lot. If God permits I would want to go back home and spend time with my family and my friends. I must admit that I kinda feel homesick. I truly appreciate the life I had back home with my friends. What I miss the most is that when we hangout after our work and rant all our "work, life, lovelife" challenges and non-stop laughing and bickering. They really make me feel happy, but being far away from my friends left me a void inside my heart. It is like my life isn't complete when I don't see or talk to them. Ugh! I really want to go out and have food trips too, but my friends here are way too busy with life and bills and other stuff. I am just keeping myself busy as well doing some "productive" stuff I guess~lol. I am thankful for my friends. I consider them as my family. Sometimes wish I could go back to the past memories that we had and enjoy every moment of it. I realized no matter how the day sucked, at the end of the day you have friends and family to go to and make you feel that it is not that bad after all. I am really looking forward to see them again once pandemic is over. I will do my very best to save up and buy that plane ticket.  They are really my happy pills <3

I love you guys!

C.O, M.T, B.P, J.G, A.N, C.V, E.M

My forever B*s <3

 

I don't know but I have been cold to other people lately. I feel something is heavy in my heart and I just don't want other people to see it. I just don't want to be bothered. I just want to be left alone. Sometimes I get annoyed when people ask me how I am, because really I don't know the answer to that. It is better that I kept my silence and just handle problems on my own rather than ranting it out to other people. alot of transitions has been going on with my life and career. What do I really want out of my life? What makes me really happy and passionate about? I am just lost for a moment, but I'm pretty sure that I will be back right on track if I given myself a time alone and reflect on my thoughts. It's really true that we need to have alone sometimes because sometimes the answer that we are trying to seek is within ourselves. These past few weeks, I am not engaging or socializing much with people unless they talk to me through chats. They see me constantly smiling , but somehow people do notice that I'm a bit off. I miss my happy-go-lucky self and being care free, but it is so much different now because I have a lot of responsibilities and plans for my future. Maybe I am realizing now how time flies so fast and yet I still don't feel accomplished nor happy. I have been procrastinating and feeling unmotivated lately. I also realized that the only strength that I lean upon is God. Everyday I always say " God be with me today and everyday". When I feel like I am in a void I always seek God's help and he had never failed me. He always guide me through my every day life challenges. I always pray to him to be with me and give me the strength to surpass all the challenges that may come. I don't pray to God to make my life easier, but instead I pray to God that I will make it through. I am really hoping and praying that I will eventually see what really God wants me to do. I was really distant to people lately, and I think it's time for me to get back again to my old usual self after this hibernation. I miss my happy self, always. I am looking forward for a brighter days ahead and a lot of wisdom out of it.


I am still forever grateful for everyone and everything that I have. 

God's plan is far more beautiful than our hearts' desire. ( My favorite quote)

Newer Posts Older Posts Home

ABOUT ME

circle-cropped Simple-Hand-Written-Fashion-Logo
I could look back at my life and get a good story out of it. It's a picture of somebody trying to figure things out.

[ Disclaimer: All photos are not mine. Credits to the owners of these lovely pictures. ]

LOVELY VISITORS

SUBSCRIBE & FOLLOW

POPULAR POSTS

  • My Dream Life
  • Natauhan
  • Self-care Day

Categories

  • calm 3
  • happiness 2
  • inspiration 1
  • motivational 1
  • my poem 18
  • ocean 2
  • peace 2
  • poem 14
  • quote 1
  • sea 3
  • self-love 1

Advertisement

Contact Form

Name

Email *

Message *

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blog Archive

  • October 2023 (3)
  • May 2022 (1)
  • October 2021 (18)
  • September 2021 (3)
  • July 2021 (3)
  • May 2021 (7)
  • April 2021 (20)

Designed by OddThemes | Distributed By Gooyaabi Template